Powered By Blogger

Heeding to the CALL

Heeding to the CALL
For Love, Justice and Peace

PERSONAL QUOTE OF THE DAY

Those who are unprincipled are often the target easy preys of hoodlooms in halos and robes. Stand up and fight for what your conscience tells you to do....

Saturday, January 29, 2011

HIYOGRAPIYA NG BABAE

ITO AY GINAWA PARA SA LAHAT
SA MALILIKOT ANG ISIP,AT SA MAY BANAL NA PAGKAMULAT
SAPAGKAT SUSUYURIN NATIN ITONG HEOGRAPIYA
NG KALIKASAN NG MGA KAWANGIS NI EBA

HALINA'T TUKLASIN ANG MGA LOKASYON
AT TULOY TUKUYIN ANG NASA DAKO PA ROON
SA HILAGA, SA TIMOG, AT SAAN MANG DIREKSIYON
NG KABABAIHANG TAGLAY AY GAYUMA NG ILUSYON

SA GAWING HILAGA NITONG SI "MANAY"
NAROON ANG KAMBAL NA BUROL NG BUHAY
SA MGA SANGGOL, DULOT NITO'Y MGA PATAK NG BUHAY
LIGAYANG DI MALIRIP NAMAN, ALAY NITO SA MGA TATAY

ANG BAHAGING ITO ANG PABORITONG PAMUGARAN
NG MGA SALARING SALITA ANG NULAS
SINUSUYOD ITO NA TILA WALANG KAPAGURAN
HANGGANG ANG NAIS AY MAIGANAP NG WAGAS

SA GITNANG HILAGA NAMAN NAROON, MALAWAK NA KAPATAGAN
TAGLAY NITO'Y HIWAGA DOON SA KAILALIMAN
HINDI MAN ITO MAGAWANG PAGTAMNAN
NAGBABAGONG-ANYO ITO SA LOOB NG SIYAM NA BUWAN

GUMAWI NAMAN TAYO SA BAHAGING KATIMUGAN
NAROON ANG KAMBAL NA HANAY NG KABUNDUKAN
SA TAGLAY NITONG KINIS, KLIMA AY NARIRINDI
ANG MGA ADONIS HINDI TULOY MAPAKALI

SA GAWINGHILAGA NG DALAWANG "SIERRA MADRE"
MOOG NA INIINGATAN AY DOON MO MAWAWARI
NA BAGO MO MARATING ANG ITINAKDANG PINTO
MASAGANANG KAGUBATAN, DAPAT MO MUNANG IGUPO

AT SA PAGSUYOD MO SA PUSOD NG GUBAT
TUBIG NA BANAYAD AY IYONG MASUSUKAT
ILOG NA NANGGALING SA KAIBUTURAN
DUMIDILIG SA UHAW SA PANAHON NG TAG-ARAW

ILOG NA SA KASIKATAN NITONG HARING ARAW
TUBIG DITO AY LUBUSANG UMAAPAW
AT SA PANAHON NAMAN NITONG TAGGINAW
TUBIG AY NATUTUYO, DISYERTO'Y LUMILITAW

TUNAY NA ANG BABAE'Y ISANG OBRA NG KALIKASAN
KANILANG KALIKASAN, HIWAGA NG KAGANDAHAN
HINDI MO MAN SADYA, NGUNIT IKA'Y MAMAMANGHA
SA TAGLAY NA GAYUMA AT LIKAS NILANG PANGHALINA

KAYA'T ITONG TULA AY AKING GINAWA
HINSI UPANG YURAKAN DANGAL NILANG DAKILA
SA HALIP AKING MAIPARATING ANG LABIS NA PAGHANGA
SA HIWAGANG LIKHA NG DIYOS NA DAKILA


(Ross G. Gime- January, 2011)

No comments:

Post a Comment